Sunday, December 30, 2012

It doesn’t mean it’s the end.


Days have passed so fast and now, 2013 is next to the count. Remembering what God did in my life last 2012 was really a blast. I proudly say that I received too much of what I have expected from Him. Once again, God proved that He is powerful and faithful with His promises. Totoo ang Panginoon. Kaya please, MANIWALA ka. Mahal ka Nya!

2012 for me is the year of God’s proving love each day. This is actually the year when I experienced more of God as I walk with Him. I feel His love even more. Day by day, God is always there to remind me that He is always with me and He is in control of everything and so, the only thing I should do is to give my 100% trust. This year, I received several breakthroughs from Him (OMG, I don’t want to cry but it feels like I will).

That time when I asked God “what is this for?” and even say, “Lord, I don’t understand what you want me to do”, are also some things to be remembered for my 2012. I can now see the picture of those puzzle parts that God showed me during the times that I don’t know what to do. I can now connect things accordingly. Ang nasabi ko na lang, “Kaya pala Lord, totoo nga, sa tamang ORAS at sa Iyong Paraan, maiintindihan ko din ang mga bagay bagay”.

Let me share you 12 things about my 2012.

2012 nang…

1. Napatunayan kong hindi talaga ako pinapabayaan ni God 100%. Hindi Sya yung God na parang ako na kung minsan ay nagiging selfish sa attention at oras ko para sa iba. Kapag may exam ako, kabadong kabado ako palagi kasi baka bumagsak ako, natatakot at nag-aalala ako palagi, pero ano pang sasabihin sakin ni God… “Don’t worry, kasama mo ko sa mga EXAM na yan. Hindi ka nag-iisa at mag-iisa”. TIWALA LANG.

2. Maintindihan kong may tamang panahon para sa bawat bagay. Hindi komo’t nanjan na, sunggab na kaagad ang peg. Yan talaga yung sobrang napapa-wow talaga ako sa working hands ni God na alam mo ng bibigay ka na, pero mafifeel mo nalang may tutulak sa iyo pabalik sa tamang landas. TIWALA LANG.

3. Ipaintindi sakin ni God na hindi rason ang “nahihirapan na ko” para mag give up. Na-feel ko yung parang sinasabi sayo na konting kembot na lang ayan na. God will strengthen us. TIWALA LANG.

4. Nafeel ko yung todo bigay at linaw na “calling” ni God saakin na mag disciple pa ng madaming tao. Yung tipong ayaw mo kasi natatakot ka pero sasabihin Nya lang sayo, “:Do not fear any BUT me”. Basta say ni Lord, gora lang. TIWALA LANG.

5. Iparealize saakin ni God na walang bagay ang hindi nya kayang gawin. Kung feeling mo walang pag-asa sa situation mo, well hindi. TOTOO. Kasi when you’re with God, package deal na eh. Kahit hindi ka maganda, mayaman, matalino, o ano pa man… basta kasama mo si God at naniniwala ka sa power nya, magiging maganda, mayaman, matalino o ano pa man ka sa mata ng ibang tao (positive syempre). TIWALA LANG.

6. Naging malinaw na sa wakas sa akin ang mga bagay bagay. TIWALA LANG.

7. Naka-experience ako ng sobrang test of FAITH. As in. Temptations are always there pero thank God, He gave me the wisdom and power to resist those. TIWALA LANG.

8. Naka-experience din ako ng sobrang sobrang sobrang TEST ng haba ng PASENSYA, mapasa-kristyano o sa hindi. Mabuti na lang, winork na talaga saakin ni God yung area na yan ng life ko kaya kada malulungkot ako dahil sa isang problema, sasabihin nalang saakin ni God na “Pagpasensyahan mo na”. TIWALA LANG.

9. I-prove sakin ni God na kahit mag-fail ako sa isang bagay, tutulungan niya kong i-try ulit yung bagay na yun hanggang sa magawa ko na. TIWALA LANG.

10. I-prove ni God ng bonggang bongga na kaya nyang mag-provide ng kahit ano esp. finances higit pa sa inask ko. OO. TOTOO TALAGA. TIWALA LANG.

11.  Inakala kong wala ng pag-asa dun sa isang prayer request ko kay God. Akala ko hindi talaga para saakin yun, na halos dumating na ako sa point na malapit nang mag-give up at iend ang mga bagay bagay. Nawalan na kasi ako ng lakas, yung feeling na akala mo wala ng pake lahat saiyo yung mga tao, wala ng nakakaintindi o ano pa man… Ang magagawa mo na lang kung hindi ka kristiyano ay UMIYAK at humagulgol sa isang sulok… Pero hindi, on God’s perfect timing and way, masasabi mo nalang: IBA KA LORD, PABITAW NA KO EH! TIWALA LANG.

12. Ipinaintindi saakin ni God na hindi pa sya tapos saakin so I don’t have the rights to END UP things kasi after all, SIYA yung NAG-START ng mga bagay bagay. He is the beginning and the end, ika nga. ANG KAILANGAN KO LANG GAWIN AY MAGTIWALA PA LALO SA KANYA. Bakit? Kasi MAHAL nya ko, at ang tunay na nagmamahal para saakin ay yung hindi ka itutulak sa kapahamakan kundi sa kabutihan (Lalim nun).

 Knowing these 12 points do not actually mean I will forget them but for me to be equipped for the upcoming 2013 blast. Katulad nga nung nabanggit sa isang service sa church, binigay ni God tong mga bagay na ito, tong mga proof na ito na nagwowork talaga siya para may ipakita ako sa iba na TOTOO ang Panginoon.

It’s in Joshua 4: 1-9, 21-24, when God instructed the Israelites to cross the Jordan River and get stones there to be a living proof na they had crossed the river through God’s power. Bakit? Bakit kailangang may proof pa si God? So that we will be confident enough with God’s abilty.

Yes, 2012 will end now but it doesn’t mean mag-eend na lahat ng memories na ibinigay nung taon. Hindi. It’s still the year na pwede nating balikan para ma-remind tayo as we look forward sa 2013 na dadating saatin. Let’s not make 2012 a waste but a reminder on every trials we would face in 2013.

My number 1 wish for 2013? Walang magbago in negative way kundi puro improvements/development pa till it’s time to harvest the blessings.

SO wag ka nang mag-alala. Kasama mo si Lord. Hindi ka nya pababayaan. Kung IKAW tapos na. SIYA hindi PA. Sorry ka nalang. TIWALA LANG.

I hope and pray that this blog inspired you! Enjoy the New year with God’s love and greatness! To God be the glory.