-- A script that's fail to submit due to lack of time.
written by Janica M. Gan
(Running Time: 3 mins)
(No. of main actors: 2)
SCENE 1: Sa loob ng bahay
(tunog ng alarm clock sa
cellphone)
(Mumulat ang lalaki,
mag-uunat unat,magkukusot ng mata, titingin sa cellphone na nasa lamesita
atsaka patitigilin ang ingay nito, pipikit ulit habang hawak ang cellphone,
magigising bigla para tingnan ang cellphone, magugulantang kasi late na pala
siya, magmamadaling babangon sa kinahihigaan at tatakbo papuntang banyo upang
mag-ayos ng sarili)
(Ipapakita ang scene ng
isang traffic na lugar, mga sasakyang bumubusina, ipapakita ang stop light na
nagbabago ng kulay, ang mga traffic enforcer na busy sa pag-aayos ng trapiko,
mga taong tumatawid, mga taong naglalakad, mga taong nagkwe-kwentuhan habang
naglalakad, ipapakita din ang ilang road signs katulad ng “Bawal tumawid, may
namatay na dito”, huling ipapakita ang “No U Turn” na sign (ipopokus dahil ito
ang magsisimbulong title))
(Ipapakita muli ang
lalaki, lalaki: nagsasapatos, tumayo, inaayos ang kanyang damit, tumingin sa
salamin saka ngingiti)
(Lalabas ang lalaki,
mapapahawak sa kanyang bulsa upang kunin ang susi ng sasakyan, magtataka kasi
wala pala ito sa bulsa niya, babalik ng bahay upang kunin ang susi)
(Ipapakita kung paano
umalis ang sasakyan)
(Fade)
SCENE 2: Sa loob ng sasakyan
Lalaki: (Habang
nagmamaneho, may tinawagan) Papunta na ko, mukhang male-late ako, sorry talaga.
I’ll explain lahat pag nagkita na tayo. I’ll call you na lang. Hindi ako
makakapagtext kasi nagda-drive ako. Okay, Sige. See you. Bye.
(Ipapakita ang lalaki na
nagmamaneho. Ipapakita ang tindi ng traffic.)
(Lalaki: titingin sa stop
light na nasa harap ng windshield ng sasakyan niya. Inip na inip ang itsura,
magpapatugtog sa sasakyan niya para makabawas ng pagkainip dahil sa traffic)
(Ipapakita ang mga taong
tumatawid sa pedestrian lane)
(Ipapakita ang isang
lalaki na kinakausap ng traffic enforcer dahil sa paglabag nito sa road
courtesy (hinihingan ng driver’s license, etc.))
(Ipapakita ang stop light
na magiging green)
Lalaki: (Hingang malalim)
Thank you Lord! (Papaandarin ang sasakyan muli)
(May madadaanan na mag-asawa
ang sasakyan ng lalaki)
(mister nakaiwan ng helmet
at hinahabol ng misis niya)
Misis: Honey! Yung helmet
mo naiwan mo! (tumatakbo habang sumisigaw at inihahabol ang helmet ng asawa)
Mister: (Ihihinto ang
motor at hihintayin ang asawa, kukunin ang helmet, bebeso, aalis muli)
(Tuloy pa din ang andar ng
sasakyan ng lalaki)
(Lalaki: ihihinto ng
bahagya ang sasakyan, hahayaang tumawid ang mga tao sa pedestrian lane,
paaandarin muli pagkatapos makatawid ng mga tao)
(Ipapakita ang cellphone
ng lalaki na may 50 messages na, kukunin ng lalaki ang cellphone, magda-dial
ulit)
Lalaki: Sorry talaga.
Malapit na ko, medyo na-traffic lang. Please huwag kang aalis, malapit na
talaga ako. Oo, Sorry talaga.. Oh sige, Bye.
(Itatabi ng lalaki ang
sasakyan ng kaunti para makadaan ang ambulansya na nagwa-wang wang.)
(Ipapakita ang isang mall.
Ipapakita ang sign na nakasulat ay “Parking Lot”. Ipa-park ang sasakyan.)
(Magmamadaling bumaba ng sasakyan
ang lalaki. Kukunin ang cellphone, hindi bibitawan. Ilolock ang sasakyan,
tatakbo papuntang entrance ng mall)
SCENE 3: Sa mall
(May mare-receive na text
ang lalaki, babasahin niya ito habang nasa escalator ng mall)
Text message: You’re too
much late, I suggest let’s meet again some other time. Sorry.
(Tatakbo ng mabilis ang
lalaki papunta sa may tapat ng entrance door ng isang department store, at
dahan-dahang maglalakad, titigil…)
Babae: (Nakatayo sa may
tapat ng department store, nakatingin sa naka-display na damit. May
mare-receive na text message. Babasahin ito.)
Text message: U turn..
Babae: (Titingin palikod
niya, makikita ang lalaki)
Lalaki: (Ngingiti,
Hihingang malalim) Sorry I’m late. (Lalapit sa babae, yayakap)
Babae: (Ngingiti sa
papalapit na lalaki)
(Magkakalas mula sa
pagkakayakap)
(Magkaharap, hawak ang
kamay ng isa’t isa)
Babae: It’s been 5 years.
Lalaki: You’re back.
(Hahawakan ng lalaki ang
pisngi ng babae.)
(Ngingiti ang babae)
(Aktong hahalikan ng
lalaki ang babae)
(FADE)
END
No comments:
Post a Comment