Thursday, August 23, 2012

Siya na laging nagpapaalala.

Bilang mga tao, normal na sa atin ang minsang makalimot sa mga bagay bagay na pinagapagawa saatin ng Panginoon. Naiiba paminsan minsan ang ating pokus kung ano nga ba ang dapat gawin sa bawat oras na kanyang ipinagkakaloob. Ano nga bang dahilan kung bakit ka nandito? Kung bakit ka nabubuhay? Magpasarap nga ba? Mukhang hindi.

                Hayaan mong ikwento ko ang mga pangyayari kanina. Kung paano ako kinulbit ng Panginoon at bulungan nang, “Wag ka ng mag-alala, ako na ang bahala.”

                Ilang araw na akong may sakit at medyo stress sa mga acad related stuff ko. Kahit wala akong exam sa linggong ito, natatakot ako sa darating na buwan sapagkat alam kong uulanin ako ng madaming exam. Hindi ko matanto pero ang dami kong iniisip na kung anu-ano sa future. Natatakot ako, ano na nga bang mangyayari bukas? Ganito pa rin ba kaya? Bakit ganito? Bakit ganyan? Nakita ko na lang ang sarili kong nagtatanong kay Lord, “Ano kayang plano mo? Bakit nangyayari ito? Kaya mo nga kaya talaga?”

                Sinabi ko sa aking sarili na hindi ko ito kaya pero kaya Niya ito. I asked God to do things para maalala ko kung gaano niya ako kamahal at kung gaano siya katotoo sa mga salita niya. Pinagdasal ko ang youth service na gaganapin sa church namin maya-maya. 

And then He answered.

                Oras na ng youth service namin. Medyo nakaka-OC kasi sa may likod kami ng CAS Annex 2 nagservice. Since open area yun, medyo madamo, walang gaanong magandang stage, maraming distraction gaya ng ulan, etc.. masasabi mo talagang anytime pwedeng hindi matuloy ang service. Pero hindi..

                Habang kumakanta na kami ng praise and worship, biglang nawalan ng kuryente. Akala ko magpapanic ang mga tao, akala ko mag-aalisan na sila, akala ko maasar na sila.. natakot ako sa mga first time na umattend kasi baka panget yung maging first impression nila. Nag-alala ako.

At doon ko nakita kung gaano kagaling si Lord..

                Nakakatuwang makita na hindi tumigil ang lahat sa pagkanta ng praise and worship. Lahat sobrang on fire, mas dumami pa ang mga tao, ang galing. Though the enemy tried to destroy the people’s praise and worship to God, God did not leave but used His power to prove that He exist and His love is beyond measurable. All of a sudden, biglang nagkakuryente. Praise God!
                Bigla kong naalala yung kwento sa Matthew 8:24. It is when God calmed the storm. Katulad ng nangyari sa bible, hindi tayo dapat matakot sa mga bagyong darating sa buhay natin sapagkat kasama natin ang Panginoon sa bawat bagyong iyon. Kahit gaano pa ito kalakas, hindi nito matatapatan ang lakas at kapangyarihan na mayroon Siya.

Photo from my churchmate of the last night's youth service
 “I am in control, don’t doubt, don’t ask, just trust me.” This is the clearest word I’ve heard upon worshipping God all throughout the service.

God reminded me that He’s there and so, I don’t have to think of those things that cause me to feel stressed, sad and worried. Thank you Lord for the peace. Thank you for calming my sea. Truly, with the things happened kanina, nung nawalan ng kuryente, God tested our faith if we will stop on praising Him or proceed.. He’s there, watching us, looking forward that we will realize that He is in control of everything. All we have to do is to trust Him and love Him more.

Thank you Lord for controlling our lives. Thank you for answering my call. Thank you for being true with your words. I gave you all the glory! I love You.

2 comments: